“Aether Main” Famous Team and Mobile legends

Siya si dogie at ang kanyang team! Isang team na napaka famous at kilalang kilala sa buong mundo sa larong mobile legend siya ay isang streamer at commentator sa larong ML nakakahanga kase marami siyang natutulungang tao sa pamamagitan ng pag cocoach at paggabay niya sa kanyang team at sa ibang tao, hindi porket adik ka sa larong mobile legends ay masisira na ang buhay mo at parang wala kanang pakealam sa mundo, hindi ganun kase sa nakikita ko sa kanya at sa kanyang team napaka sikat at successfull na nilang lahat pag nagpopost nga sila sa facebook or youtube e about sa mga binibili nilang bahay sasakyan at mga naipundar nila ng dahil sa larong mobile legends. Idol ko silang lahat kahit hindi ako gaanong kagaling sa mobile legends kase nakikita ko sa kanilang team yung pagkakaisa at pagmamahalan na kahit anong mangyare sa laro man o sa public places hindi sila nagpapataasan at nagaaway away parang mas higit pa sa isang tunay na magkakapatid ang turingan nilang lahat. “Iisa lang masasabi ko hindi lahat ng adik sa mobile games e wala nang silbi sa lipunan yung iba ay bagkos na nakatutulong at nagiging daan yung paglalaro nila para umahon at umasenso ang kanilang buhay” Okay lang yan kong adik ka sa paglalaro ang mahalaga wala kang tinatapakan at sinisiraang tao!

“ROS Gaming” Piggy Position

Yung mga tropa mong “ROS GAMING” ito ang isang laro na kinaadikan ko din pero hindi sa cellphone kundi sa computer ako naglalaro mas nadadalian kase ako mag control sa computer kesa sa cellphone hindi kagaya sa cellphone na nahihirapan ako sa pag ko-control, madaming naglalaro nito kase nakaka enjoy naman talagang laruin kelangan dito ng talino at diskarte para maka “CHICKEN DINNER” na hinahangad ng karamihang naglalaro nito. Pero na tuklasan ko na mas madaming naglalaro nito sa computer kesa sa cellphone kase madaming nagsasabi na mas madali naman talagang laruin ito sa computer kesa sa cellphone, “pero yung mga tropa ko mas gusto nila sa cellphone kase sabi nila mas masaya at mas masarap daw kase pag sa cellphone naglalaro kahit “nakahiga kayong lahat na magkakapatong” HAHAHA parang yang picture nayan mas masaya daw kase pag magkakasamang naglalaro. PARANG ISANG MAG BIBESTFRIEND LANG YAN MAS MASAYA PAG MAGKAKASAMA ❤

Utol kong adik sa Mobile Legends

Walang araw na hindi naglalaro ang kapatid ko ng mobile legends minsan inaagahan niya ang gising makapaglaro lang nito, tapos kalimitan kaya siya napapagalitan ni nanay e kase sa oras na siya ay inuutusan laging sagot niya ay “mamaya na” “wait lang” ganun nalang palagi kaya minsan napipikon nadin ako sa kanya kase yung dapat na iuutos sa kanya ay sa akin napapautos, “sarap sapukin” tapos ang nakakainis palagi e pagkadating niya galing school ay basta nalang nya itatapon ang kanyang hinubad hindi na nya iniimpis kong san nya hinubad dun na nya iniiwan at ang una nya agad hanap at hawak ay ang cellphone para makapag laro ng mobile games. “Nakakapikon lang kase ako palagi nakakapag impis ng hinubad nya kase sa kwarto ko sya nagbibihis 😖

Ate’s Clash of Clans Mobile Games

Yung ate kong adik na adik sa paglalaro ng Clash of Clans! Sa tuwing pumupunta ako sa kanila wala nang inurasan yung paglalaro nya ng Clash of Clan “the best,” nakapag laro din ako nito kaso hindi naman ako ganung naadik at nahumaling sa larong to kase naiinip ako sa sobrang tagal mag upgarde ng troops at town hall base na kelangan intayin yung paggagawa ng builders na inaabot ng weeks and months, tapos nagtataka ako sa mga naglalaro nito kase natitiis nilang maghintay ng ganung katagal kahit alam naman nilang sisirain lang din naman ng kalabang aattack sa kanilang base “napaka tyaga at napakamatiisin nila” parang si ate napaka tyagang maghintay at magtiis kahit alam niyang sisirain din naman ng iba at minsan di niya alam na inaattack at sinisira na pala ng kalaban! “PARANG AKO NAGTITIIS PERO INIIWAN PADIN” 😢